Thursday, November 30, 2017

The Story of Soterania Salgado



Dear Charo, 

Walong taong gulang ako ng namatay ang aking ina dahil sa panganganak sa kambal naming kapatid. Kahit na wala na siya, masaya kaming namumuhay kasama ang aking 3 kapatid sa simple at payak namin tirahan sa La Granha, La Carlota, Negros Occ. 

Ang aking tatay ay isang magsasaka. Natatandaan ako na dinadalhan ko sya ng tanghali sa bukid. Siya ay napasipag kaya kami ay nagkaron ng mga kalupaan. Si Cerila at Magdalena ay ang aking mga nakakatandang kapatid. Si Ramon ang kaisa-isa at bunso naming lalaki. Mahilig kaming mag laro ng tumbang preso sa tubuhan. Si Cerila ay ang aking kapatid na hindi masyadong kasundo.

Isang hapon, dumating ang aking tiyahin na si Segundina. Siya ang aking tiya na balik balik na sa Maynila. Madalas niyang ikwento noon sa amin kung gaano kaganda ang Manila. Noong hapon na iyon, wala pa ang aking ama sa bahay, niyaya niya akong sumama sa kaniya. Labing apat na taong gulang pa lang ako noon. Hindi ko napigilan ang aking sarili sa pag-ka excite na makita ang Manila. Sumakay kami ng jeep patungo sa himpilan ng mga barko. At noong gabi na iyon, kami ay nag pa-Manila.

Nang dumating kami sa Manila, mangha mangha ako sa malaking buildings, sa madaming tao at sa mga sasakyan. Nakitulog kami sa isang pamilya sa Pineda, Pasig na kaibigan, si Doming. Mayron siyang 3 anak. Napakabuti nila sa amin. Tuwing umaga hanggang tanghali, naglalako kami ng gulay, prutas at mga isda ni Tiya sa bahay bahay. Madami kaming suki noon. Mahigit isang taon din namin itong ginawa hangang isang gabi dinala ako ng aking tiyahin sa isang pamilya para mamasukan bilang isang labandera. Doon nakilala ko ang aking naging matalik na kaibigan si Pida. 18 years old sya at nag tatrabaho bilang katulong ni Kuya Lavis. Nagpaalam ang tiya ko noon na uuwi muna siya sa amin sa Negros at ako ay kaniyang babalikan.

Lumipas ang isang taon, kinasal si Pida. Iniwan na niya ako kina Kuya Lavis. Hindi pa din bumalik ang aking tiya. Isang gabi, bumalik si Pida sa bahay ni Kuya Lavis. Hinikayat niya akong sumama na lang sa kaniya. Doon kami nanirahan sa bahay ng kaniyang mga biyenan. MAlapit lang ang bahay ni Kuya Lavis sa bahay ng mga biyenan ni Pida sina Tsa Dining at Tso Benito. Pinuntahan ako doon ni Kuya Lavis para pabalikan sa kanila pero nirespeto nila ang aking desisyon. Nanatili na lang ako kina Pida.

Di nagtagal nakilala ko ang anak ni Tsa Dining, si Amparo. Naghahanap si Amparo noon ng makakasama ng kaniyang anak dahil manganganak ito sa pangawalang anak. Nasa bente dos na ako noon. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa aking tiya. Hindi ko din alam kung paano umuwi sa amin. Natatakot akong mawala. Hindi ko sana gustong sumama kay Amparo dahil baka balikan ako ng aking tiyahin sa Pineda, Pasig pero nangako naman sila na babalik din ako sa Pineda.

Nakarating ako sa Laguna. Nakilala ko si Irma, ang anak ni Amparo. May isang anak na babae na siya noon. Nagtatrabaho siya sa IRRI kasama ang kaniyang asawa. Secretary siya noon sa Director ng institusyon. Napakabuti ni Irma sa akin. Inaalagaan niya ako tinuring na kapamilya. Ako ang nag alaga sa pangalawang anak niya habang siya at ang kaniyang asawa na si Raul ay nagtatrabaho. Pinuntahan ako ni Pida sa Laguna para pabalikin sa Pineda. Pero hindi ako sumama dahil nagustuhan ko na sa Laguna. Naging miyembro na din ako doon ng “Mormons”. Active kami ni Irma at ng kaniyang pamilya sa simbahan.

Madaming beses akong tinanong ni Irma kung gusto umuwi sa amin pero ako ay natatakot at umasang babalikan ng aking Tiya. Lumipas ang 50 taon, nanatili ako kay Irma at Raul. Inalagaan ko ang kaniyang 6 na anak. May mga umakyat sa akin ng ligaw noong bata pa ako pero wala akong nagustuhan dahil na din siguro sa aking takot sa panganganak na kinamatay ng aking ina. Nanatili akong dalaga hanggang ngayon.

3 years ago, nadestino ang anak ni Irma na si Valerie sa Bacolod na aking inaalagan simula sa pagka-anak niya bilang misyonaryo ng aming simbahan. Natagpuan niya ang aking pamilya sa tulong din ng kaniyang mga kapwa misyonaryo.

Pag-uwi niya matapos ang 18 buwan ng kaniyang mission, sinamahan niya ako sa amin sa La Granha. Sumakay kami ng eroplano. Salamat sa murang pamasahe sa Cebu Pacific. Hindi ko maintindihan ang ligayang aking nararamdaman noong papunta kami. Excited na excited ako na makita muli ang aking pamilya.

Dumating kami. Hindi ako nakilala ng aking kapatid na si Ramon. Batid man nila na may kapatid siyang na matagal ng nawawala sa Manila. Nagkwentuhan kami ni Ramon at doon konti-konti bumalik lahat ang aming ala-ala. Natandaan niya na ako nga ang nawawala niyang ate. Nag-iyakan kami ni Ramon at nag yakapan. Hindi matigil ang aming mga luha. Nakwento ni Ramon na namatay ang aming tatay noong siya ay 50 taon gulang. Hindi ko maitago ang sama ng loob ko sa kanila dahil umasa din ako na ako ay hahanapin nila. Sinabi ko kay Ramon, “bakit hindi niyo hinanap?”
Sumagot si Ramon, “Hinanap ka namin. Pero hindi namin alam dahil namatay na din si Tsa Segundina. Hindi na din niya alam kung san ka niya iniwan.”
Nagalit pa noon si Tatay kay Tsa dahil sa pagkuha niya sayo ng walang paalam. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko noong Charo. Naghalong saya, lungkot, galit at panghihinayang. Siguro nga, binenta ako ng aking Tiya kaya hindi na niya ako binalikan. Hinanap ko agad kay Ramon ang aming mga kapatid. Namatay na rin si Cerila noong 70 years old siya. Pero, si Magdalena ay buhay pa at namasukan din bilang kasambahay doon sa Iloilo. Tinawagan namin siya agad para pauwiin at magkita-kita kaming tatlong magkakapatid.


Dumatig si Magdalena sa La Granha. Noong nakita ko siya, hindi ko na napigilan ang muling umiyak. NIyakap ko siya ng mahigpit at muli binalikan namin ang nakaraan.  Naalala namin ang masasayang araw na kami ay nanonood ng mga manunugtog ng drums tuwing fiesta. Madami kaming napagkwentuhan. Nangako si Ramon sa amin na ipapagawa ang kaniyang bahay para doon magsama-sama na kaming tatlo ni Magdalena. Nagbalik si Magdalena sa Iloilo at ako naman sa Bulacan, sa isang anak ni Irma habang tinatapos ang bahay na aming pagsasaluhan.

Nasa Amerika na si Irma ngayon at ang kaniyang asawa. Nakatira na ako ngayon sa anak niyang bunso dito sa Pampanga. Hanggang isang araw nakatanggap kami ng text mula sa anak ni Ramon, “patay na si Magdalena”. Sobrang lungkot ako noon. Hindi ko matanggap na hindi na matutupad an gaming pangarap na mag sama-sama sa isang bahay. Muntik akong mahighblood noon pero nagdasal na makayanan ko ang aking nararamdaman.

Umuwi kami sa Negros kasama ko ang anak ni Irma na si Nyla at ang asawa niya, si Michhel at isang anak anak na babae nila, si Zephrine. Nakiramay kami at nakilala ko pa ang iba pa namin na kamag-anak. Mahirap ang buhay doon hanggang ngayon. Wala sila pinagkakakitaan kundi ang mga tubuhan at pananim nila. Mabuti na lang, sagot lahat ng amo ni Magdalena ang gastos sa kaniyang libing. Napaka buti nila. Sila ay tunay na pamilya.

Ang buhay natin ay parang isang libro. Bawat kabanata ay puno ng magagandang ala-ala. Masayang masaya ako na kahit sa huling yugto ng akiing buhay dito sa lupa ay muli kong nakita ang aking pamilya and lupang aking sinilangan. Hindi dapat tayo mag patalo sa takot. Ito ay isang handlang makamit ang tunay na ligaya. Napakabuti ng Dios dahil kahit nawala ang aking tunay pamilya sa mahabang panahon, binigyan ako ng isang pamilya na kahit hindi kadugo ay tinuring ako higit pa sa tunay na kapatid.



ANG MGA ARAL:

1.    Huwag maawalan ng pag asa na didinggin ng Dios ang iyong mga dasal katulad ng pagkatagpo ko sa aking tunay na pamilya.
2.    Paglilingkod ng TAPAT.



Saturday, November 25, 2017

Happy 35th Birthday, Michael!






Modern
Impressive
Caring
Humorous
Awesome
Enthusiastic
Loving!

We love you!


Happy 29th Birthday, Nyla Irmamina!




New life and beginning
You are loved
Lasting beauty is yours
Admired and adorable

Imaginative
Responsible, respectful, resourceful,
Magic is you
Accomplished
Mindful
Incredible
Natty
Amazing!

Tuesday, August 15, 2017

Visiting Grandma Josie in Washington















We had a blast in WA! We are so grateful that we had the opportunity, most importantly to hang out and visit with Great Grandma Josie. Wish we live close to her. 

It is so cute that Grandpa Rollie and Grandma Trudee had fun doing some rides at Wild Waves. We all had so much fun! There's a lot of rides there that we were not able to ride them all. Will come back next time. 

Food at Jollibee is the best!!! Miggie asked me to take a picture of him with Jollibee. He is so cute!!!